Tata Selo
ni: Rogelio Sicat
Mga Tauhan:
1. Tata Selo
Isa siyang matandang magsasaka na nakapatay kay Kabesang Tano. Nakulong siya dahil sa nagawa niyang pagpatay.
2. Kabesang Tano
Sa kanya isinanla ni Tata Selo ang kanyang lupang sakahan. Napatay siya ni Tata Selo dahil pinapalayas niya si Tata Selo sa lupang sakahan at tinungkod niya nang tinungkod ang matanda kaya nanlaban ito.
3. Saling
Babaeng anak siya ni Tata Selo. Siya ay may karamdaman.
4. Alkalde
Siya ang namumuno sa bayan at tinatawag ding Presidente. Tinanong niya si Tata Selo sa totong nangyari sa sakahan.
5. Batang Magbubukid
Dumalaw siya sa kulungan ni Tata Selo at nakakaunawa siya sa kalagayan ng matanda.
Tagpuan:
1. Kulungan/Bilangguan/Istaked
Sa lugar na ito nangyari ang maraming pangyayari sa maikling kuwento. Dito nakulong si Tata Selo kung saan nakausap niya ang isang binatang mayaman at isang batang magsasaka. Dito rin siya binugbog ng hepe ng pulis.
2. Tanggapan ng Alkalde
Dito kinausap ng alkalde si Tata Selo kung saan ikinuwento niya ang nangyari sa sakahan. Nagkita rin si Tata Selo at ang kanyang anak na si Saling sa lugar na ito.
3. Lupang Sakahan
Ang lupang ito ay pagmamay-ari dati ni Tata Selo subalit naisangla niya ito at naembargo. Nagsasaka pa rin siya sa lupang ito para kay Kabesang Tano. Subalit isang araw, pinapalayas na siya ng kabesa at ayaw niyang umalis dahil alam niya na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka. Tinungkod siya nang tinungkod ng kabesa kaya nanlaban siya at tinaga ang kabesa.
Talasalitaan:
1. kulumpon - pulutong
2. nakaalsa - namamaga
3. propitaryo - kapitalista
4. istaked - bilangguan
5. nagpaulik-ulik - nagdadalawang-isip
6. halas - galos
7. kinabog - nilagpak
8. sangka - kanal
Thursday, August 23, 2018
Wednesday, August 22, 2018
Ang Matsing at ang Pagong
Ang Matsing at ang Pagong
ni: Dr. Jose Rizal
Mga Tanong at mga Sagot:
1. Ano-anong ugali ang ipinakita nina Pagong at Matsing?
Si Pagong ay mabait, matulungin at mapagbigay. Ipinakita ito sa pabula nang bigyan niya ng pansit at ng kalahating puno ng saging ang kaibigan niyang si Matsing. Si Matsing naman ay tuso, palabiro at salbahe. Ipinakita ito sa pabula nang lokohin niya ang kaibigan nitong si Pagong. Inubos niya ang pansit na ibinigay ni Pagong sa kanya at pati ang bunga ng puno ng saging na napatubo ni Pagong.
2. Sino sa kanila ang dapat tularan at hindi dapat? Bakit?
Si Pagong ang dapat tuluran. Mabait at maawain siyang kaibigan. Binibigyan pa rin niya ang kanyang kaibigan kahit na may karanasan siyang niloko na siya ng kanyang kaibigan. Hindi dapat tularan si Matsing. Hindi tama ang dayain at lokohin ang isang mabuting kaibigan. Hindi dapat inaabuso ang kabutihan ng isang kaibigan.
3. Ano ang natutuhan mo sa kuwento?
Natutuhan ko na maging mapagbigay gaya ni Pagong. Kahit na alam niya na maaari siyang lokohin ng kanyang kaibigan, nagbibigay pa rin siya. Subalit dapat ay alam natin ang limitasyon sa pagbibigay at magkaroon dapat tayo ng tamang pagkakaalam kung niloloko na tayo ng ating kaibigan.
Natutuhan ko ring huwag manloko o mandaya ng iba. Hindi ito magandang ugalit dahil kung ginagawa natin ito sa iba, nasasaktan sila at nawawala ang kanilang tiwala sa atin. Isipin na lamang natin kung tayo naman ang lolokohin ng iba. Walang duda na malulungkot at masasaktan tayo. Kaya nararapat na huwag natin itong gawin sa iba upang hindi rin nila ito gawin sa atin.

Subscribe to:
Posts (Atom)