Ang Matsing at ang Pagong
ni: Dr. Jose Rizal
Mga Tanong at mga Sagot:
1. Ano-anong ugali ang ipinakita nina Pagong at Matsing?
Si Pagong ay mabait, matulungin at mapagbigay. Ipinakita ito sa pabula nang bigyan niya ng pansit at ng kalahating puno ng saging ang kaibigan niyang si Matsing. Si Matsing naman ay tuso, palabiro at salbahe. Ipinakita ito sa pabula nang lokohin niya ang kaibigan nitong si Pagong. Inubos niya ang pansit na ibinigay ni Pagong sa kanya at pati ang bunga ng puno ng saging na napatubo ni Pagong.
2. Sino sa kanila ang dapat tularan at hindi dapat? Bakit?
Si Pagong ang dapat tuluran. Mabait at maawain siyang kaibigan. Binibigyan pa rin niya ang kanyang kaibigan kahit na may karanasan siyang niloko na siya ng kanyang kaibigan. Hindi dapat tularan si Matsing. Hindi tama ang dayain at lokohin ang isang mabuting kaibigan. Hindi dapat inaabuso ang kabutihan ng isang kaibigan.
3. Ano ang natutuhan mo sa kuwento?
Natutuhan ko na maging mapagbigay gaya ni Pagong. Kahit na alam niya na maaari siyang lokohin ng kanyang kaibigan, nagbibigay pa rin siya. Subalit dapat ay alam natin ang limitasyon sa pagbibigay at magkaroon dapat tayo ng tamang pagkakaalam kung niloloko na tayo ng ating kaibigan.
Natutuhan ko ring huwag manloko o mandaya ng iba. Hindi ito magandang ugalit dahil kung ginagawa natin ito sa iba, nasasaktan sila at nawawala ang kanilang tiwala sa atin. Isipin na lamang natin kung tayo naman ang lolokohin ng iba. Walang duda na malulungkot at masasaktan tayo. Kaya nararapat na huwag natin itong gawin sa iba upang hindi rin nila ito gawin sa atin.
No comments:
Post a Comment