Saturday, November 4, 2023

Pilipinas, ang Bansa nating Mahal

 

Pilipinas, ang Bansa nating Mahal

Pilipinas nating bansa lubos nating kilalanin

Bilang mga Pilipino mga lugar dito’y ating alamin

Mga lalawigan at rehiyon halina’t ating pag-aralan

Upang mas lalo nating mahalin at hangaan.

 

Ang bawat lalawigan lungsod at bayan

Ay may sariling lokal na pamahalaan

Walumpu’t dalawa lahat mga lalawigan sa bansa

Labimpito naman ang mga rehiyong nagkakaisa.

 

Mamamayan ng ating bansa naninirahan sa teritoryo

Pagkakaisa ang nais natin magkakaiba man tayo

Bansa natin ay sagana sa iba’t ibang yamang likas

Kaya ipagmalaki natin ang mahal nating Pilipinas!

No comments:

Post a Comment