Ito ang isa sa pinakagusto kong maikling kwento. Napakaganda. Napakatotoo. Nakakabagbag ng damdamin. At ito ang pinakagusto kong linya ng kwento.
Ang pag-ibig na ito'y isang dulang ako ang gumaganap ng pangunahing tauhan; sapagkat ako ang nagsimula ay ako ang magbibigay-wakas. Ipalagay mo nang ako'y nasimulang tugtuging nararapat tapusin. Gawin mo akong isang pangarap na naglalaho pagkagising. Tulungan mo akong pumawi sa kalungkutang itong halos pumatay sa akin... Ngunit, bakit napakahirap ang lumimot?
Bakit nga ba mahirap lumimot? Talaga bang nakakakalimot ang isang puso o ito ay nananatili na lamang sa alaala? Hindi ko alam.
Ito pa ang isang magandang linya sa kwento.
Huwag kang palilinglang sa simbuyo ng iyong kalooban; ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig sa tuwina.
Wala akong masasabi kundi totoo.
Sa huli, pinalaya ng Ina ang Ama.
Ito ang pag-ibig. Unconditional. Walang hinihinging kapalit. Marunong magpalaya.
Friday, June 26, 2015
Wednesday, July 2, 2014
A Scale for Detecting Social Competence Among Children
A Scale for Detecting
Social Competence Among Children
This
is an instrument designed to assess the social competence of children ages 7 to
12 years old. As a classroom teacher, your cooperation in answering each item
as honestly and objectively as you can, will be highly appreciated. The
information gathered will be treated confidentially.
________________________________________________________________
Directions: For each item, put a check mark under
the appropriate column that best describes the child.
Legend: HC
- Highly characteristic of the child
CC - Characteristic of the child
SC - Slightly characteristic of the child
NC - Not characteristic of the child at all
The
Child:
HC CC SC NC
1. shows interest in others [
] [ ]
[ ] [ ]
2. approaches others in a positive way [
] [ ]
[ ] [
]
3. accepts and enjoys peers and adults [
] [ ]
[ ] [
]
4. joins other children in work and
play [
] [ ]
[ ] [
]
5. shares with others [
] [ ]
[ ] [
]
6. has a good sense of humor [
] [ ]
[ ] [
]
7. expresses himself clearly to others [
] [ ]
[ ] [
]
8. communicates nonverbally with other
children
with waves, smiles, etc. [
] [ ]
[ ] [
]
9. shows the capacity to care about
others [
] [ ]
[ ] [
]
10. displays the ability to empathize
with others [
] [ ]
[ ] [
]
11. responds appropriately to friendly
teasing like
jokes, name-calling, etc. [
] [ ]
[ ] [
]
12. demonstrates the ability to
appropriately resolve
disagreement [
] [ ]
[ ] [
]
HC CC SC NC
13. is able to maintain friendship
with peers
even after conflicts [
] [ ]
[ ] [
]
14. expresses anger and frustration in
an appropriate
way without hurting others [
] [ ]
[ ] [
]
15. is not easily intimidated by
others especially
bullies [
] [ ]
[ ] [
]
Sunday, July 14, 2013
Ang Pintor
Ang Pintor
Jerry Gracio
Gumuhit siya ng ibon
Lumipad ito palayo
Gumuhit siya ng isda,
Lumangoy ito sa hangin.
Gumuhit siya ng bulaklak,
Nagkalat ang halimuyak sa dilim.
Iginuhit niya ang sarili,
At inangkin siya ng kambas.
Lumipad ito palayo
Gumuhit siya ng isda,
Lumangoy ito sa hangin.
Gumuhit siya ng bulaklak,
Nagkalat ang halimuyak sa dilim.
Iginuhit niya ang sarili,
At inangkin siya ng kambas.
PAGPAPAHALAGA:
Bawat
isa sa atin ay may natatanging kakayahan at talento. Ano-ano ang mga angkin
mong talento? Paano mo pinaghuhusay ang mga ito?
Ang mga kakayahan at
talento natin ay bigay sa atin ng Diyos. Maraming mga paraan upang mapaghusay
natin ang mga ito. Isa sa mga paraan ay ang paghingi ng tulong sa ibang tao na
may sapat na kaalaman sa angkin mong talentong. Marami kang matututuhan sa mga
taong ito kaya nararapat na hindi ka mahiyang magtanong o humingi ng payo sa
kanila. Lagi mo ring isaisip na kung may gagawin kang isang bagay, subukan mo
ito, at kung magkamali ka man ay muli mo itong subukan hanggang sa ikaw ay
magtagumpay. Ang patuloy na pagharap sa mga pagsubok ay isa ring paraan upang
mapahusay mo ang iyong kakayahan at talento.
Sanggunian:
Agnes, W et
al. (2012). Ang Batikan
Bolyum XVI Blg. 1. Educational Resources Corporation:
Quezon City.
Salamin
Salamin
Assunta Cuyegkeng
Walang
kurap siyang titingin sa akin,
itong
kakambal ko sa salamin
Pag-aaralan
ang linya at pekas
na
unti-unti nang kumalat sa aking mukha
Pag-aaralan
pati ang mata kong
Kape
pala ang kulay, hindi itim.
Walang
kurap siyang magmamasid,
pag-aaralan
ang takbo ng aking dibdib
na
kung minsan, kumakabog,
kung
minsan, natutulog.
Dito
nagtatago ang aking mangingibig,
ina
at ama, anak, kapatid,
ang
init ng gising kong dugo,
ang
hininga ng Diyos na matiyagang
nakikinig.
Tatapatan
niya ako,
Sisipatin
mula sa paa hanggang ulo
At
ihaharap sa akin,
Walang
retoke,
Ang
buo kong pagkatao.PAGPAPAHALAGA:
Ngayong ikaw ay nasa ika-pitong baitang na, ano-ano ang mga pisikal na pagbabago sa iyong sarili ang napapansin mo kumpara noon sa ngayon? Paano mo tinatanggap ang mga pagbabagong ito?
Maraming mga pagbabagong pisikal ang iyong nararanasan ngayong ikaw ay nasa ika-pitong baitang na. Ang mga pagbabagong ito ay normal lamang kaya hindi ka dapat mabahala sa mga ito. Huwag kang mag-atubiling lumapit sa iyong mga magulang o mga pinagkakatiwalaang mga nakatatanda hinggil sa mga pagbabagong iyong nararanasan.
Sanggunian:
Agnes, W et
al. (2012). Ang Batikan
Bolyum XVI Blg. 1. Educational Resources Corporation:
Quezon City.
Alamat ni Tungkung Langit
Alamat ni
Tungkung Langit
[Hango sa mito ng Hiligaynon at Waray, at muling
isinalaysay ni Roberto T. Añonuevo]
Hindi makapaniwala
ang mga tao noon na wala naman talagang langit at lupa. Ako si Alunsina, at ang
asawa kong si Tungkung Langit ang pinagmulan na lahat ng bagay. Kaming dalawa
lamang ang pinag-ugatan ng buhay. Mula sa kaibuturan ng kawalan, itinakda n
gaming kasaysayan ang paglitaw ng daigdig ng mga tao.
Nabighani si Tungkung Langit nang
una niya akong makita. Katunayan, niligawan niya ako nang napakatagal, sintagal
ng pagkakabuo ng tila walang katapusang kalawakan na inyong tinitingala tuwing
gabi. At paanong hindi mapapaibig si Tungkung Langit sa akin? Mahahaba’t
mala-sutla ang buhok kong itim. Malantik ang aking balakang at balingkinitan
ang mahalimuyak na katawan. Higit sa lahat matalas ang aking isip na tumutugma
lamang sa gaya ng isip ni Tungkung Langit.
Kaya sinikap ng aking matipuno’t
makapangyarihang kabiyak na dalhin ako doon sa pook na walang humpay ang
pag-agos ng dalisay, maligamgam na tubigan. Malimit kong marinig ang saluysoy
ng tubig, na siya ko namang sinasabayan ng paghimig ng maririkit na awit.
Napapatigalgal si Tungkung Langit tuwing maririnig ang aking tinig. “Alunsina,”
aniya, “ikaw ang iibigin ko saan man ako sumapit!” Pinaniniwalaan ko ang
kanyang sinasambit. At ang malamig na simoy sa paligid ang lalo yatang
nagpainit ng aming dibdib kapag kami’y nagniniig.
Napakasipag ng aking kabiyak. Umaapaw
ang pag-ibig niya; at iyon ang aking nadama, nang sikapin niyang itakda ang
kaayusan sa daloy ng mga bagay at buhay sa buong kalawakan.
Iniatang niya sa kanyang balikat ang
karaniwang daloy ng hangin, apoy, lupa, at tubig. Samantala’y malimit akong maiwan
sa aming tahanan, na siya ko namang kinayamutan. Bagaman inaaliw ko ang sarili
sa paghabi ng mga karunungang ipamamana sa aming magiging anak, hindi mawala sa
aking kalooban ang pagkainip. Wari ko, napakahaba ng buong maghapon kung
naroroon lamang ako’t namimintana sa napakalaki naming bahay.
Madalas akong gumagawi sa aming
pasigan, at manalamin sa malinaw na tubig habang sinusuklay ang mababangong
buhok. Ngunit tuwing tititig ako sa tubig, ang nakikita ko’y hindi ang sarili
kundi ang minamahal na si Tungkung Langit.
Sabihin nang natutuhan ko kung paano mabagabag. Ibig kong
tulungan ang aking kabiyak sa kanyang mabibigat na gawain. Halimbawa,
kung paano itatakda ang hihip ng hangin. O kung paano mapapasiklab ang apoy sa
napakabilis na paraan. O kung paano gagawing malusog ang mga lupain upang
mapasupling nang mabilis ang mga pananim. Ngunit ano man ang aking naisin ay
hindi ko maisakatuparan. Tumatanggi ang aking mahal. “Dito ka na lamang sa
ating tahanan, Alunsina, di ko nais na makita kang nagpapakapagod!”
Tuwing
naririnig ko ang gayong payo ni Tungkung Langit, hindi ko mapigil ang
maghinanakit. Kaparis ko rin namang siyang bathala, bathala na may angkin ding
kapangyarihan at dunong. Tila nagtutukop siya ng mga tainga upang hindi na
marinig ang aking pagpupumilit. Nagdulot iyon ng aming pagtatalo. Ibig kong
maging makabuluhan ang pag-iral. At ang pag-iral na yaon ang sinasagkaan ng
aking pinakamamahal.
Araw-araw,
lalong nagiging abala si Tungkung Langit sa kanyang paggawa ng kung ano-anong
bagay. Makikita ko na lamang siyang umaalis sa aming tahanan nang napakaaga,
kunot ang noo, at tila laging malayo ang iniisip. Aaluin ko siya at pipisilin
naman niya ang aking mga palad. “Mahal kong Alunsina, kapag natapos ko na ang
lahat ay wala ka nang hahanapin pa!” at malimit nagbabalik lamang siya kapag
malalim na ang gabi.
Sa
mga sandaling yaon, hindi ko mapigil ang aking mga luha na pumatak;
napapakagat-labi na lamang ako habang may pumipitlag sa aking kalooban.
Dumating
ang yugtong nagpaalam ang aking kabiyak. “Alunsina, may mahalaga akong gawaing
dapat matapos,” ani Tungkung Langit. “Huwag mo na akong hintayin ngayong gabi’t
maaga kang matulog. Magpahinga ka. Magbabalik din agad ako…” May bahid ng
pagmamadali ang tinig ng aking minamahal. Lingid sa kanya, nagsisimula nang
mamuo sa aking kalooban ang matinding panibugho sa kanyang ginagawa. Umalis nga
si Tungkung Langit at nagtungo kung saan. Subalit pinatiktikan ko siya sa
dayaray upang mabatid ang kanyang paroroonan. Ibig ko siyang sundan.
Natunugan
ni Tungkung Langit ang aking ginagawa. Nagalit siya sa dayaray at ang dayaray
ay isinumpa niyang paulit-ulit na hihihip sa dalampasigan upang ipagunita ang
pagsunod niya sa nasabing bathala. Samantala, nagdulot din yaon ng mainit na
pagtatalo sa panig naming dalawa.
“Ano
ba naman ang dapat mong ipanibugho, Alunsina? asik ni Tungkung Langit sa akin.
“Ang ginagawa ko’y para mapabuti ang daloy ng aking mga nilikha sa daigdig ng
mga tao!” Napoot ang aking kabiyak sa akin. Nakita ko sa kanyang mga mata ang
paglalagablab at lumalabas sa kanyang bibig ang usok na pagkapoot. Dahil sa
nangyari, inagaw niya sa akin ang kapangyarihan ko. Ipinagtabuyan niya ako
palabas ng aming tahanan.
Oo,
nilisan ko ang aming bahay nang walang taglay na anumang mahalagang bagay. Nang
lumabas ako sa pintuan, hindi na ako muling lumingon nang hindi ko makita ang
bathalang inibig ko noong una pa man. Hubad ako nang una niyang makita, hubad
din ako nang kami’y maghiwalay.
Alam kong nagkamali ng pasya si
Tungkung Langit na hiwalayan ako. Mula noon, nabalitaan ko na lamang na
pinananabikan niya ang paghihintay ko sa kanya kahit sa gitna ng magdamag;
hinahanap niya ang aking mainit na halik at yakap; pinapangarap niyang muling
marinig ang aking matarling na tinig; inaasam-asam niya na muli akong
magbabalik sa kanyang piling sa paniniwalang ibig kong makamit muli ang
kapangyarihang inagaw niya sa akin. Ngunit hindi.
Hindi ko kailangan ang aking kapangyarihan kung ang
kapangyarihan ay hindi mo rin naman magagamit. Hindi ko kailangan ang kapangyarihan
kung magiging katumbas iyon ng pagkabilanggo sa loob ng bahay at paglimot sa
sariling pag-iral.
Ipinaabot sa akin ng dayaray ang
naganap sa dati naming tahanan ni Tungkung Langit. Sinlamig ng bato ang buong
paligid. Pumusyaw ang dating matitingkad na palamuti sa aming bahay. Lumungkot
nang lumungkot si Tungkung Langit at laging mainit ang ulo. “Mabuti naman,”
sabi ko sa dayaray. “Ngayon, matututo rin si Tungkung Langit na magpahalaga sa
kahit na munting bagay.”
Umaalingawngaw ang tinig ni
Tungkung Langit at inaamo ako dito sa aking bagong pinaghihimpilan upang ako’y
magbalik sa kaniya. Ayoko. Ayoko nang magbalik pa sa kaniya. Kahit malawak ang
puwang sa aming pagitan, nadarama ko ang kaniyang paghikbi. Oo, nadarama ko ang
kaniyang pighati. Lumipas ang panahon at patuloy niya akong hinanap. Ngunit
nanatili siyang bigo.
Ang kaniyang pagkabigo na
mapanumbalik ang aking pagmamahal ay higit niyang dinamdam. Nagdulot din yaon
sa kaniya upang lalong maging malikhain sa paghahanap. Akala niya’y maaakit ako
sa kaniyang gawi. Habang nakasakay sa ulap, naisip niyang lumikha ng malalawak
na karagatan upang maging salamin ko. Hindi ba, aniya, mahilig si Alunsina na
manalamin sa gilid ng aming sapa? Nababaliw si Tungkung Langit. Hind gayon
kababaw ang aking katauhang mabilis maaakit sa karagatan.
Pumaloob din si Tungkung Langit sa
daigdig na nilikha niya na laan lamang sa mga tao. Naghasik siya ng mga buto at
nagpasupling ng napakaraming halaman, damo, palumpong, baging, at punongkahoy.
“Marahil, maiibigan ito ni Alunsina,” ang tila narinig kong sinabi niya.
Gayunman, muli siyang nabigo dahil hindi ako nagbalik sa kaniyang piling.
Humanap pa ng mga paraan ang dati kong kabiyak
upang paamuin ako. Halimbawa, kinuha niya sa dati naming silid ang mga nilikha
kong alahas. Ipinukol niya lahat ang mga alahas sa kalawakan upang masilayan
ko. Naging buwan ang dati kong ginintuang suklay; naghunos na mga bituin ang
mga hiyas ko’t mutya; at naging araw ang ginawa kong pamutong sa ulo. Kahit ano
pa ang gawin ni Tungkung Langit, hindi na muli akong nagbalik sa kaniyang
piling.
Namighati siya. At nadama
niya kung paanong mamuhay nang mag-isa, gaya lamang ng naganap sa akin dati
doon sa aming tirahan. Lumuha nang lumuha si Tungkung Langit, at ang kaniyang
pagluha ay nagdulot sa unang pagkakataon ng pag-ulan. Kapag siya’y
humahagulgol, nagbubunga yaon ng malalakas na pagkulog at pagkidlat. May
panahong tumitindi ang kaniyang pighati, kaya huwag kayong magtaka kung bakit
umuulan. Ang mga luha ni Tungkung Langit ang huhugas sa akin, at sa aking
kumakawag na supling.
PAGPAPAHALAGA:
May natatandaan ka
bang isang kuwentong iyong nabasa na nagpapakita na may epekto ang kasarian sa
maaaring ikilos ng isang tauhan? Naniniwala ka ba na may limitasyon ang bawat
tao dahil sa kanilang kasarian?
Natunghayan mo sa binasang
akda ang pagkakaroon ng mas mataas na pagtingin ng isang tauhan sa kanyang
sarili dahil sa kanyang kasarian at ang mababa niyang pagtingin o ang hindi
pagbibigay ng pagkakataon sa kanyang kabiyak na maisagawa ang kanyang nais.
Ikinahon niya ang katangian at kakayahan ng kanyang asawa bilang taga-asikaso
sa gawaing-bahay at tagatugon sa kanyang ilang pangangailangan. Maging sa ating
kasaysayan ay mababasa natin ang ganitong pagtingin dati sa mga kababaihan- na
sila ay walang karapatan at nararapat lamang manatili sa mga tahanan. Subalit
sa kasalukuyan, sa iyong palagay, may epekto pa rin ba ang kasarian sa maaaring
ikilos o gawin ng isang tao?
Mga Sanggunian:
Agnes, W et
al. (2012). Ang Batikan
Bolyum XVI Blg. 1. Educational Resources Corporation:
Quezon City.
Kung Bakit Umuulan?
Kung Bakit Umuulan
Isinalin
ni Roberto Añonuevo
Noong
unang panahon, wala pang mundo, wala pang araw at buwan, wala pang oras, at
wala pang buhay o kamatayan. Mayroon lang dalawang diyos, si Tungkung Langit at
ang kanyang kabiyak na si Alunsina.
“Tingnan
mo, mahal, lilikhain ko ang santinakpan para sa iyo!” pagmamalaking sabi ni
Tungkung Langit.
“Hayaan
mong tulungan kita, kaya ko ring lumikha,” ang sabi ni Alunsina.
“Huwag
kang mag-alala, mahal, ito ang regalo ko sa iyo: ang mga bituin, ang mga
planeta, ang buwan, ang mga ulap, at ang hangin.”
“Pero
makapangyarihan din naman ako, dahil isa akong diyosa,” bulong ni Alunsina.
Ngumiti lang si Tungkung Langit at niyakap si Alunsina. Pagkatapos, tumindig
siya nang matikas, huminga ng malalim, at sumigaw ng pagkalakas-lakas sa
kawalan.
Lahat
ng sabihin ni Tungkung Langit ay nagkatotoo. Kumalat ang sinag ng bagong
likhang araw. Kumislap-kislap ang mga bituin. Umikot ang mga planeta at
lumiwanag ang buwan. Humangin nang pagkalakas-lakas.
At
naulit ito nang naulit. Mahal na mahal ni Tungkung Langit si Alunsina, kaya
ayaw niya itong mapagod. Ayaw niyang gumamit ng kahit isang daliri si Alunsina
upang lumikha ng kahit isang bagay.
“Mas
gugustuhin kong maupo ka na lang, magpahinga, at maging maganda,” sabi ni
Tungkung Langit kay Alunsina.
Ngunit
sawa na si Alunsina sa ganoong klase ng buhay. Naramdaman niyang parang wala
siyang silbi bilang diyosa. Gusto niyang lumikha.
“Huwag
kang mag-alala,” sabi ni Tungkung Langit sa kanyang iniibig, “wawakasan ko ang
iyong pagkabagot. Lilikha ako ng … oras!” At nagsimula nga ang oras.
Kasamang
nalikha ng oras ang alaala… at naalala ni Alunsina ang panahong wala pang laman
ang kalawakan, nang hindi siya nakalikha ng kahit na ano. “Gusto kong lumikha!”
sabi ni Alunsina.
Isang
araw, patagong sinundan ni Alunsina si Tungkung Langit. Nang makita siya ni
Tungkung Langit, agad siyang tinanong: “Bakit ka narito? Bakit mo ako
sinusundan?”
“Gusto
kong lumikha! Diyos din ako, tulad mo!” sabi ni Alunsina.
“Nababagot
ka ba uli, mahal? Huwag kang mag-alala, lilikhain ko ang kulog at kidlat para
sa iyo!”
Lumiwanag
at dumagundong sa buong kalangitan dahil sa kulog at kidlat. Nagulat ang buong santinakpan.
Nagtago ang araw, buwan at bituin. Kahit ang hangin ay tumigil sa pag-ihip! Pero hindi natinag si Alunsina.
Nakatayo lang siya doon, nanunood, nakakunot ang noo.
“Sawa
na akong panoorin ka lang lumikha ng planeta at araw at bituin! Sawa na akong
naririto lang, nakaupo, walang ginagawa! Kaya kong lumikha! Isa rin akong
diyosa!”
Pero
hindi siya pinakinggan ni Tungkung Langit. Umalis siya at lumikha pa ng
maraming bagay sa kalawakan. Akala niya ay nagpapapansin lang si Alunsina.
Hindi
na nakayanan ni Alunsina ang lungkot sa kanyang puso, kaya lumayas siya sa
kanilang tirahan. Pag-uwi ni Tungkung Langit, gulat na gulat siya nang makitang
walang apoy sa kanilang kalan, walang pagkain sa kanilang mesa. At wala na rin
ang kanyang Alunsina.
“Alunsina!
Alunsina! Hinanap nang hinanap ni Tungkung Langit ang kanyang asawa, ngunit
hindi niya ito matagpuan. Tinawag niya nang tinawag ang pangalan ni Alunsina
ngunit walang binalik ang hangin kundi alingawngaw.
Lumipas
ang mahabang panahon, at nagsawa rin sa paglikha si Tungkung Langit. Araw-araw,
hinahanap ni Tungkung Langit ang kanyang iniibig. Ngunit wala siyang nakita.
Isang
araw, sumilip si Tungkung Langit mula sa ilang ulap. Hinawi niya ang mga ulap
at sa kanyang gulat, naroon ang kanyang asawang si Alunsina.
“Anong
ginagawa mo riyan, mahal? Matagal na kitang hinahanap?”
Tumingala
si Alunsina. Kitang-kita sa kanyang mukha ang kaligayahang hinahanap ni
Tungkung Langit.
“Nilikha
ko ang daigdig. Ang daigdig na may puno at halaman, isda at mga ibon. Nilikha
ko ang mga bundok, ang langit, ang karagatan. Nilikha ko ang buhay, dahil isa
rin akong diyos.” At nagpatuloy si Alunsina sa paglikha.
Nasaktan
si Tungkung Langit. Ang kaligayahang nakita niya sa mukha ng kanyang asawa ay
hindi dahil sa pagkakita sa kanya.
Mula
noon, hindi na bumalik si Alunsina sa kalangitan. Paminsan-minsan, sinusubok
siyang pabalikin ni Tungkung Langit sa pamamagitan ng paglikha ng kulog at
kidlat. Ngunit hindi na babalik muli sa Alunsina.
Mula noon, upang mabisita ni Tungkung Langit ang kanyang
dating asawa, kailangan niyang mag-anyong ulan. Ulan na didilig sa daigdig na
nilikha ng kanyang iniibig. Si Alunsina.
PAGPAPAHALAGA:
Mayroon
ka bang isang bagay o gawaing ayaw ipagawa sa iyo dahil sa iyong edad, ngunit
natitiyak mo na sapat ang iyong karanasan o kakayahan upang magawa mo ito? Ano
ang iyong naramdaman o naging tugon sa karanasang iyon?
May ilang bagay o karanasang
maaaring ayaw ipagawa ng mga magulang sa kanilang mga anak dahil sa kanilang
murang edad kahit na natitiyak na ng mga anak na may sapat na silang karanasan
o kakayahan upang isagawa ang mga bagay na nais nilang gawin. Masasabi natin na
may punto ang mga magulang kung nais nilang hindi mapasama ang kanilang mga
anak. Maaari rin naman nating masabi na mabuti rin na subukan ng isang anak ang
isang bagay upang siya ay matuto lalo na kung alam naman ng kanyang magulang na
kaya niyang isakatuparan ang isang gawain. Samakatuwid, mahalaga ang palagiang
komunikasyon sa pagitan ng dalawang panig upang makilala nang lubusan ng mga
magulang ang kakayahan ng kanilang anak at mapakinggan din naman ng mga anak
ang saloobin ng kanilang mga magulang.
Sanggunian:
Agnes, W et
al. (2012). Ang Batikan
Bolyum XVI Blg. 1. Educational Resources Corporation:
Quezon City.
Sandaang Damit
Saandaang
Damit
Fanny
A. Garcia
May isang batang babaing mahirap. Nag-aaral
siya. Sa paaralan ay
kapansin-pansin ang kanyang pagiging walang imik. Madalas ay nag-iisa siya.
Lagi siyang nasa isang sulok. Kapag nakaupo na’y tila ipinagkit. Lagi siyang
nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang kapag tinatawag ng guro, halos
paanas pa kung magsalita.
Naging mahiyain siya sapagkat maaga
niyang nalaman na kaiba ang kanyang kalagayan kung ihahambing sa mga kaklase.
Ipinakita at ipinabatid nila iyon sa kanya. Mayayaman sila. Magaganda at
iba-iba ang kanilang damit na pamasok sa paaralan. Madalas ay tinutukso siya
dahil sa kanyang damit. Ang kanyang damit, kahit malinis ay halatang luma na,
palibhasa ay kupas na at punung-puno pa ng sulsi.
Kapag oras na kainan at labasan ng
kanya-kanyang pagkain, halos ayaw niyang ipakita ang kanyang baon. Itatago niya
sa kanyang kandungan ang pagkain, pipiraso nang kaunti, tuloy subo sa bibig,
mabilis upang hindi malaman ng mga kaklase kung ano ang dalang pagkain. Sa
sulok ng kanyang mata’y masusulyapan niya ang mga pagkaing dala ng kanyang mga
kaklase gaya ng mansanas, sandwiches, mga imported at mamahaling tsokolate.
Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi
nagtatapos sa kanyang mga damit. Tatangkain nilang silipin kung ano ang kanyang
pagkain at sila’y magtatawanan kapag nakita nila na ang kanyang baon ay isa
lamang pirasong tinapay na karaniwa’y walang palaman.
Kaya lumayo siya sa kanila. Siya ay
naging walang kibo at mapag-isa.
Ang nangyayaring ito ay batid ng
kanyang ina. Pag uwi sa bahay, madalas siyang umiiyak dahil sa panunukso ng mga
kaklase at siya’y nagsusumbong sa ina. Mapapakagat-labi ang kanyang ina,
matagal itong hindi makakibo, at sabay haplos nito sa kanyang buhok at may
pagmamahal na sasabihin sa kanya, “Bayaan mo sila, anak, huwag mo silang
pansinin. Hayaan mo, kapag nagkaroon ng trabaho ang iyong ama, makapagbabaon ka
na rin ng masasarap na pagkain. Maibibili rin kita ng maraming damit.”
At lumipas pa ang maraming araw.
Ngunit ang ama ay hindi pa rin nakakuha ng trabaha kaya ganoon pa rin ang
kanilang buhay. Ang bata naman ay unti-unting nakauunawa sa kanilang kalagayan.
Natutuhan niyang makibahagi sa malaking suliranin
ng kanilang pamilya. Natutuhan niyang sarilinin ang pagdaramdam sa panunukso ng
mga kaklase. Hinid na siya nagsusumbong sa kanyang ina.
Sa kanyang pagiging tahimik ay
ipinalagay ng kanyang mga kaklase na siya ay kanilang talu-talunan kaya lalong
sumidhi ang kanilang pang-aasar. Lumang damit. Di-masarap na pagkain. Mahirap.
Pilit na ipinasok nila sa kanyang isip.
Hanggang nang isang araw ay natuto
siyang lumaban. Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang natutong sumagot ang
mahirap na batang babae na laging luma, kupas at puno ng sulsi ang damit. Ang
batang babae na ang laging baon ay tinapay na walang palaman. Isa na naman
iyong pagkakataong walang magawa ang kanyang mga kaklase kung hindi ang
tuksuhin siya.
“Alam ninyo,” sabi niya sa malakas at
nagmamalaking tinig, “ako’y may sandaang damit sa bahay.”
Nagkatinginan ang kanyang mga kaklase.
Hindi sila makapaniwala. “Kung totoo iyan ay bakit lagi lang luma ang isinusuot
mo?”
Mabilis ang sagot niya, “dahil
iniingatan ko ang aking sandaang damit. Ayokong maluma agad.”
“Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa
min para kami maniwala!” iisang sabi nila sa batang mahirap.
“Hindi ko madadala
rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto ninyo ay sasabihin ko na lang
kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung may ribbon o
may bulaklak.”
At nagsimula na nga siya sa kanyang
pagkukuwento. Paano ay inilalarawan niya hanggang kaliit-liitang detalye ang
bawat isa sa kanyang sandaang damit. Tulad halimbawa ng isang damit na
pamparti. Makintab na rosas ang tela na maraming mumunting bulaklak, bolga ang
manggas, may tig-isang ribbon sa magkabilang balikat. Hanggang sakong ang haba ng damit. O kaya
ang kanyang dilaw na pantulog na may burda. O ang kanyang puting pansimba na
may malapad na sinturon at malaking bulsa.
Mula noon ay naging kaibigan na niya
ang mga kaklase. Ngayon, siya na ang laging nagsasalita at sila ang nakikinig.
Lahat sila ay natutuwa sa kanyang kuwento tungkol sa sandaang damit. Nawala ang
kanyang pagiging mahiyain. Naging masiyahin siya bagaman patuloy pa rin ang
kanyang pamamayat kahit na ngayo’y nabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang
baong mansanas o sandwich.
Isang araw, hindi pumasok sa klase ang
mahirap na batang babaeng may sandaang damit. Saka nang sumunod na araw at nang
sumunod pang araw. Pagkaraan ng isang linggong hindi pagpasok ay nag-alala ang
kanyang mga kaklase at guro.
Isang
araw ay nagpasya silang dalawin ang batang matagal nang absent sa klase. Ang
natagpuan nilang bahay at sira-sira at nakagiray na sa kalumaan.
Lumabas ang isang babaing payat, iyon
ang ina ng batang mahirap. Sila ay pinatuloy at nakita nila ang maliit na
kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa marangyang kasangkapan. Sa isang
sulok ay isang lumang papag at doon nakaratay ang batang babaeng may sakit
pala. Ngunit sa mga dumalaw ay di agad ang maysakit ang napagtuunan ng pansin
kundi ang mga papel na maayos na nakadikit sa dingding sa may tabi ng papag.
Lumapit sila sa sulok at nakita nilang ang mga papel na nakadikit sa dingding
ay yaong mga drowing ng bawat isa sa sandaang papel. Magaganda, makukulay.
Naroong lahat ang kanyang naikuwento. Totoo at naroroon ang sinasabi niyang
rosas na damit na pamparti. Naroroon din ang drowing ng kanyang damit pantulog,
ang kanyang pansimba, ang mga sinasabi niyang pamasok sa paaralan na kailanma’y
hindi nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sa kanya’y nakatago at iniingatan sa
bahay.
Sandaang damit na pawang drowing
lamang.
PAGPAPAHALAGA:
Ano ang mga salitang pumapasok sa
iyong isipan kapag naririnig mo ang salitang diskriminasyon? Ano rin naman ang
iyong nararamdaman sa tuwing may nakikita kang isang taong tila hindi tanggap
sa isang lipunan o sa grupong kanyang nais kabilangan?
Ang tema ng akda ay may kaugnayan sa diskriminasyon o ang
di pantay na pagtingin sa ating kapwa. Maaaring magkaroon ng diskriminasyon sa
kulay o lahi, katayuang sosyo-ekonomiko, relihiyon, at kasarian. Nakapokus ang
akda sa diskriminasyon sa katayuang sosyo-ekonomiko na ipinamalas sa kalagayan
sa buhay ng pangunahing tauhan. Matagumpay na napalutang ng awtor ang ganitong
ideya sa mga tiyak na pangyayari sa kuwento.
Sanggunian:
Sanggunian:
Agnes, W et
al. (2012). Ang Batikan
Bolyum XVI Blg. 1. Educational Resources Corporation:
Quezon City.
Subscribe to:
Comments (Atom)