Batang-Bata Ka Pa
Apo Hiking Society
Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
‘Yan ang totoo
Nagkakamali ka kung akala
mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang.
Batang-bata ka lang at
akala mo na
Na alam mo na ang lahat ng
kailangan mong malaman
Buhay ay ‘di ganyan
Tanggapin mo na lang ang
katotohanan
Na ikaw ay isang musmos
lang na wala pang alam
Makinig ka na lang
Makinig ka na lang
Ganyan talaga ang buhay
Lagi kang nasasabihan
‘Pagkat ikaw ay bata
At wala pang nalalaman
Makinig ka sa’king payo
‘Pagkat musmos ka lamang
At malaman nang maaga
Ang wasto sa kamalian
Batang-bata ako nalalaman
ko’to
Inaamin ko rin na kulang
Ang aking nalalaman at nauunawaan
Ngunit kahit ganyan ang kinalalagyan
Alam ko na may karapatan ang bawat nilalang
Kahit bata pa man
Kahit bata pa man
Nais ko sanang malaman
Ang mali sa katotohanan
Sariling pagdaranas
Ang aking pamamagitan
Imulat ang isipan
Sa mga kulay ng buhay
Maging tunay na malaya
Sa katangi-tanging bata
Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
Nais ko sanang malaman
Ang mali sa katotohanan
Batang-bata ka lang at
akala mo na
Na alam mo na ang lahat ng
Kailangan mong malaman
Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang
Batang-bata ka pa
Batang-bata ka pa
Batang-bata ka pa
Batang-bata ka pa.
SARILING PAGSUSURI AT PAGNINILAY
Ano ang naaalala mo noon sa iyong
kabataan? Ano ang mga bagay na naglalarawan sa iyong sarili noong ikaw ay nasa
murang edad pa lamang. Subukang balikan ang mga araw noong bata ka pa. Marahil
matatandaang madalas kang naglalaro kasama ang iyong mga kaibigan at maaaring
masabi mo na marami ka pang hindi nauunawaan noong ikaw ay bata pa.
Ang awiting Batang-Bata Ka Pa ng Apo Hiking Society ay hinggil sa pagiging bata, kanyang mga nalalaman at mga karanasan. Sa unang parte ng kanta ay tila sinasabihan siya ng isang nakatatanda sa kanya. Sa bahaging ito ay salungat ang aking pananaw sa sinabi sa kanta na ang isang bata ay "isang musmos lang na wala pang alam." Para sa akin, at gaya rin ng natalakay namin sa aming klase sa Wika at Literatura sa ilalim ng aming propesor na si Sir Pil, ang linyang ito ay hindi totoo sapagkat kahit nasa murang edad pa lamang ang isang bata hindi nangangahulugan na siya ay walang alam.
Sa kasalukuyan, sa kaloobang ng Diyos, ako ay muling nagtuturo sa nursery. Ang mga batang tinuturuan ko ay nasa edad dalawa hanggang apat na taong gulang. Sa kanilang murang edad na ito, hindi ko masasabi na sila ay walang alam o walang kaalamang maaaring maibabahagi sa iba sapagkat sa katotohanan, marami silang alam na natututuhan nila sa iba't iba nilang karanasan. Ang mga karanasang ito man ay simple pa lamang o hindi katulad sa karanasan nating mga matatanda, subalit sa mga ito sila natututo at nakakukuha ng mga kaalaman. Lalo na ngayon sa kasalukuyan na maraming bagong gamit o gadgets ang kanilang pinagtutuunan ng pansin at ginagamit, minsan ay mas marami pa silang alam sa nakatatanda o natututo pa ang mga nakatatanda sa kanila.
Makikita rin sa kanta ang bahagi na tila ang bata ang nagsasalita at nangangatwiran. Oo, tama siya na ang bawat bata ay kulang pa ang pang-unawa at kaalaman subalit kahit ganito, siya rin naman ay may karapatan. Magandang bahagi rin nang ipahayag ng bata ang kagustuhan niyang malaman ang mali sa katotohanan at imulat ang kanyang isipan sa maraming bagay. Tama na turuan ang isang bata na mangatwiran at pakinggan ang kanyang katwiran, subalit nararapat na ituwid ang bata kung mali ang kanyang pangangatwiran o pananaw sa isang bagay. Isang mahalagang bagay pa rin ang gabay ng nakatatanda upang mamulat ang isipan ng isang bata.
Tunay na ang mga bata ay mayroon ding karapatan at nalalaman kahit sa murang edad pa lamang. Subalit hindi nangangahulugan ito na alam na nila ang lahat ng bagay at nararapat nilang gawin ang nais nilang gawin. Ang payo at gabay ng mga magulang o nakatatanda ay lubos pa ring mahalaga upang maunawaan nila ang wasto sa mali, maituwid ang kanilang pangangatwiran at maakay sila sa tamang landas.

No comments:
Post a Comment